Kape`t Pandasal
ninais ko nanamang bagtasin ang
daang minsan ko nang iniligaw…
muli ko nanamang sinindihan ang
kandilang aking pinabayaang mamatay sa
ilalim ng malakas na hangi’t ulan…
muli kong nilunok ang mga sinukang salita na
“ayoko na… pagod na ako…”
sawa na akong muling madarang sa apoy ng
pagmamahal ko sa taong pikit matang nakatitig sa
akin mula sa kawalan…
tumititig ng may piring ang mga mata…
nakakakita ngunit bulag sa aking pagsinta…
MAHAL…
MINAHAL…
MAMAHALIN…
wala ako sa tatlo…
wala ako sa mga ito…
INIWAN…
IIWAN…
IIWANAN…
yan lang ang tanging alam ko…
yan lang ang tanging nahihita ko…
isang takip silim…
pahon na kumagat ang dilim sa mundong tumigil
na sa pag inog…
naisipan kong tumayo sa ilalim ng pulang langit…
sa ilalim ng bilog na buwan…
sa ilalim ng mangilan ngilang bit’win…
nasambit nalang sa sarili…
hihintayin kita gabi-gabi…
sa ilalim ng pulang langit…
sa ilalim ng bilog na buwan…
sa ilalim ng mangilan ngilang bit’win…
wala lang iyon…
lambing lang sa hangin…
awitin lamang alay sa langit na mapula…
langit na dugo ang niluluha…
HINTAYIN…
ang pangako ko sa luha ng langit…
HIHINTAYIN…
kita gabi-gabi ang pangako sa mahal…
HININTAY…
ang mahabang panahong ikaw darating…
inaawitan ko ang langit ng ikaw ay dumating…
hindi ko inaasahan ang muling pag kabog ng
dibdib…
hindi ko inaasahan ang isang tulad mo ay
makakadama ng aking lambing na pinalalaya ko sa
pamamagitan ng hangin…
lambing sa hangin…
lambing sa iyo…
lambing mula sa akin na inihatid na sa iyo…
ngayon handa na akong muling madarang sa
apoy…
ikaw na nga siguro ang hinihintay ko ng kay tagal…
nararamdaman ko…
ikaw na nga siguro ang babaeng hinihintay ko
gabi-gabi…
sa ilalim ng pulang langit…
sa ilalim ng bilog na buwan…
sa ilalim ng mangilan ngilang bit’win…
ngayon…
muli kongt binabagtas ang daang minsan ko nang
iniligaw…
muli ko nanamang sinindihan ang kandilang aking
pinabayaang mamatay sa
ilalim ng malakas na hangi’t ulan…
ngayon…
muli nanamang uminog ang aking mundo…
salamat sa iyo…


nice…gling nman..who’s the lucky grl??hahahaha..
ang ganda ng gurl sa pic ha…
ay…
ako ba yan?
oo nga!!!
ako yan!!!
so ako ang lucky girl@!!!!
hayzzzz
lovsyu!!!
^_^ well…
i like this one..
Naghihintay din kasi ako..