Marder

Is He a better lover than I?
Pare, naaalala mo ba ?
Dati. Yung dating-dati pa?
Yung bang minsan.
Yung minsang inaya kitang uminom
sa tindahan nila Aleng Mameng.
Yung tindahang may malaking puno ng santol sa gilid,
wala pa ang dalawang maliit na tumpok ng lupa noon.
Naalala mo?
Diba hanggang umaga tayo noon
Pero wala paring natutumba.
Naalala mo?
Tayo nga yung pinakamalakas uminom sa barkada, diba?
Di nila tayo matalo sa inuman noong araw,
Kasi sanay na tayo sa beer.
Hindi na tayo napapaitan.
Di tulad ng iba nating kabarkada.
Naaalala ko pa, ikaw ang nagturo sa aking mag bisyo.
Una inom tapos, sigarilyo.
Kung sa inom ikaw ang boss,
Kasi laging may party sa bahay ‘nyo.
Kung sa sigarilyo ako naman.
May tindahan kasi kami kaya di ako naghihirap
pag dating sa yosi.
Naaalala mo ba?
Nung minsang magdala ka ng dalawang pakete ng Fortune?
Nabadtrip pa nga kami nun eh,
lasang ipis kasi yung nabili mo.
Kaya napilitan akong bumili ng Winston.
Uso pa ang Winston noon
at masakit pa sa lalamunan ko ang Marlboro
Pero anu pa man.
Kung inom at yosi lang naman,
o kahit sa anu pang mga bagay kasangga kita.
Pare, naaalala mo ba?
Dati?
Nung minsang may nagbanda sa plaza,
Inaya mo ko sumali sa palaro nilang beer drinking contest.
Nahihiya ako noon at sobrang kabado
kaya ikaw nalang ang sumali
kasi matapang ka at malakas ang loob mo.
Sigurado ko naman ikaw ang mananalo dun eh.
Yung mga kalaban mo kasi masyadong lasing na.
Eh ikaw. Hindi pa.
Ang sabi mo sa akin bago pumunta ng stage,
“Kaya to, di pa naman ako lasing eh.
At may free beer pa.”
Tuwang-tuwa tayo noon.
Nanalo ka kasi.
Naalala mo ba na yung premyo mong back pack
binigay mo sa akin.
Salamat doon pare,
hanggang ngayon ginagamit ko pa.
Pare naalala mo ba ang dahilan
ng pag-aya ko sayo noon maginuman kina Aleng Mameng?
Inaya kitang maginuman noon dahil sa kanya.
‘yung si ano,
si Charie.
Iyung girl na kasama ko nung isang birthday mo.
Oo, siya nga.
Naghiwalay kasi kami.
Masakit pare.
Masakit, kasi siya yung tipong nilatagan ko na ng buong buhay ko.
Tapos bigla nalang siyang sasama sa iba.
Masakit.
Malungkot.
Badtrip.
Pero kahit papaano ayos lang ako.
Nariyan ka naman para dumamay.
Kasama mo ang ilang bote ng beer, at isang supot ng kropek.
Pero ngayon kahit mahigit dalawang taon na ang nakalipas, masakit parin.
Mas masakit.
Mas malungkot
Mas nakaka-badtrip.
Wala na kasi akong kasamang uminom ng beer
at mamulutan ng kropek habang humihitit ng yosi.
Pare, Marlboro na ako ngayon.
Wala na kasing tindang Winston si Aleng Mameng.
Alam mo pare, naalala parin kita hanggang ngayon.
Noong gabing inaya kita lasing na lasing na ako noon.
Naitumba ko ata ang Chivas nang Papa na kadadala lang niya mula nung huling uwi niya
galing Saudi.
Di ko na maalala kung naubos ko talaga.
Lango na kasi ako n’on eh,
Tapos naalala mo ba na tinawagan kita.
Umiiyak ako.
Ikaw ang tinawagan ko dahil alam ko na di mo ko kayang tiisin.
Pinapunta kita sa tindahan nila Aleng Mameng.
Para bumili pa ng isang kaha sabay pina direcho kita sa bahay.
Tayo lang ang tao noon naalala mo?
Iniwan kasi ako nila Mama.
Nagbakasyon sila sa isa pang bahay namin sa Tagaytay.
Di na ko sumunod.
Mabuburyong lang ako pag kasama ko sila.
Isa pa ayos na rin na tahimik ang bahay.
Kailangan kong mag-isip.
Kailangan kong mapag-isa.
Mabilis tumakbo ang oras ng gabing iyon.
Umiikot ang buong bahay sa sobrang alak sa aking dugo.
Sumisikip ang dibdib ko sa usok ng sigarilyong kaninang umaga ko pa hinihitit.
Napaluha ako kasabay ng malakas at mabilis na palo ng aking puso.
Sa sobrang takot at kaba.
Sa sobrang galit at pananabik.
dahil sa tagal ng aking pagtitimpi…
Pagpipigil…
Pag hihintay…
Nagdilim ang aking paningin.
Black out!
Tas, biglang wala na…
Nagising nalang ako kinabukasan.
Magaan na ang aking pakiramdam.
Napangiti ako.
Habang nakaupo sa isang sulok kaharap ang basag na salamin.
Pare, naaalala ko pa.
Himbing na himbing ka sa kama ko.
Tulog na tulog ka.
Nababading na ata ako sayo.
Ang sarap mo kasing tingnan habang natutulog.
Lalung-lalo nang alam ko na hinding hindi ka na muling didilat pa.
Katabi ang wala buhay na katawan ng hayop na Charie mo.

creepy! gnubra mo ni?! nD ka mn mentally disturbed noh? hay hay buhay pag-ibig…i hate love and i love hate..hahaha..
(maComment na lng gd ko d kinahanglan pa my email add..baw ah! add mo na sa YM..hahaha)
Argh..
Grabe.. Pano ka nakagawa ng ganitong tula??
Hmm.. Super nasaktan ka siguro.. But i hope hindi mo to gagawin sa reality.. HEHEHEHE Skeri kasi…
^_^
ayos sa twist a.
- tenco
a tale of betrayal between friends.
di ko inaasahang ganoon ang ending.. pero nice one!
OFF TOPIC
bro, pasensya na. wala akong makitang pwedeng pagkomentan kaya dito na lang. i’m dead serious sa pagbebenta ng kapatid ko (translation: patay ako pag-uwi sa bahay, seryoso!).
binasa ko naman pala ang tula mo. ayos!
ngeks!! ahahahaha!! ayos!!