Sampaguita
Pagod na pagod sa mahabang biyahe at hilong-hilo sa kahahanap ng daan puwi. Sa pagkahilong iyon ay napadpad kami sa hindi pamilyar na lugar. Napansain ko nalang na ako at ang kapatid ko ay nasa harap ng simbahan sa Quiapo. Pusturang pustura kami habang ang isa naman naming kasama ay isang babae na nagtitinda ng sampaguita. Gusgusin at pawang di pa nakakakain sa araw na iyon. Hindi aninag sa akin ang mukha ng bata ngunit aninag ko na hirap siya sa buong araw na paglalako.
Patakbo siyang nagtungo sa pinto ng simbahan habang ang dalawang natitirang sampaguita na tangan niya sa kanyang kaliwang kamay ay patuloy sa pagkawag. inaya niya kaming lumapit upang makita ang loob ng simbahan ngunit siya ay nawala sa dagat ng taong naroroon.
Sa muling pagsapit ng tanghaling-tapat, muli kaming bumalik sa lugar kung saan naming unang nakita ang batang babae, ngunit hindi naming ito makita sa labas kaya ipinasya naming pumasok sa loob ng simbahan. Namataan naming ang dalagita sa harap ng altar. Nakaluhod, nagdarasal. Inuusal ang panalangin sa hangin. Hawak parin niya ang dalawang natitirang sampaguita sa kanyang kaliwang kamay. Marahan kaming lumakad paloob at naupo sa mahabang silya ng simbahan. Matagal ang dalagita sa pagdarasal, taimtim, at halos gumugol ng maraming oras. Hindi ko alam ngunit sa pagkanais naming makilala siya ay hindi kami inabot ng kahit kaunting pagkabagot.
Patuloy ang pag takbo ng oras…
Patuloy ang pagsingaw ng maalinsangang lupa…
Patuloy ang paulit-ulit na pag kanta ng koro…
Naibsan ang aming paghihintay nang bigla siyang tumayo at nagsiling, “Ang ibang mga sampaguita ko ay naipamigay ko na sa lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko.” nagulat kami sa biglang ibinulalas ng dalagita, at dahan dahan itong lumapit sa amin. Hinawakan ang aming kamay at humalik sa aming mga pisngi. Iniabot niya ang dalawang natitirang sampaguita at muling nagsiling, “Mahala na mahal ko kayong dalawa.” at pagkatapos ay mgumiti siya ng matamis.
Sa mga sandaling iyon ay doon ko unti unting napansin na lumiliwanag ang kanyang anyo. May maigsing buhok at mapungay na mga mata. Ang dating gusgusin ay ngayo’y nakasuot na ng matingkad na puti, animo’y representasyon ng kabutihan at pagmamahal. Napuno ng galak ang aming mga puso, sa kabila ng galak na iyon ay isang babae lang ang pumasok sa aking isipan. Siya ay ang aking ina.

Mag-iwan ng Tugon